Scrambled Egg at Gulaman
Scrambled Egg at Gulaman tagalog stories
  1
  •  
  0
  •   0 comments
Share

omigle_
omigle_ para sa sining (for art's sake)
Autoplay OFF   •   2 years ago
Isang almusal, at isang merienda Alat, tamis, magkaibang lasa

Scrambled Egg at Gulaman

Isang almusal, at isang merienda

Alat, tamis, magkaibang lasa

Ikaw na almusal, akong merienda

Para nga ba sa isa’t-isa?

Nagmula ka sa bagay na puno ng buhay

Tinimpla, binati hanggang sa kasakdalan

Tinutungo sa panlasang makakapagpaligaya

Ikaw ang almusal sa umaga, na sa bawat araw,

Kailangan kita, para sa aking sustansiya at ikabubuhay

Nagmula ako sa mapait na pulbong nakapakete

Tinimpla, hinalo at ikaw naglagay ng pampatamis

Tinutungo sa panlasang gusto mo, at minsa'y nauumay ka na

Ako ang meriendang sa tuwing gusto mo lang iniinom

Panulak, pampalunok sa mga naiipit sa lalamunan

Sa madalian mong pagkaumay sa tamis,

Ako naman sa alat nagtitiis.

Araw-araw kong sinasanay ang sarili sa alat,

Ikaw naman ay nagsasawa na sa araw-araw na tamis.

Stories We Think You'll Love 💕

Get The App

App Store
COMMENTS (0)
SHOUTOUTS (0)