Bakit ba natin kinatatakutan ang kulay na itim?
Kung ako'y magbibigay sa bata ng kahon ng kendi na nakabalot sa kartolinang itim
Katatakutan niya ito at itatapon ng palihim
Anong katakot-takot sa kartolinang itim?
Ang kulay na itim na humuhubog sa simbolo ng kadiliman, bakit?
Kung ang itim naman ay ang nagbibigay kulay sa puti,
Kung ang kadiliman naman ay ang nagbibigay kahulugan sa liwanag. Bakit natin kinatatakutan ang itim?
Kung sa ating pagkatakot sa mundo,
Pinipikit na lang natin ang ating mga ata Ipipikit, para tumakas sa mundong liwanag ng katotohanan.
Papunta sa mundong itim, madilim, tatakpan ang tainga at tutungo
Tutungo sa mundong tanging isip at konsensiya lang ang naririnig Bakit ba tayo takot sa itim?
Kung sa pagdasal natin ng taimtim, ito ang koneksiyon natin sa pakikipagusap sa Maykapal
Kung sa ating pagtulog, ito ang laging kasama, na sa paglakbay sa panaginip ay hinihiling na sana magtagal pa
Kung sa mga pagtakip natin sa mga nais nating itago, kaagapay natin ang itim
Kung sa ating pagkatakot ay tutungo at magtatago na lang tayo sa dilim.
Find more stories like this one bysigning up!