TUGMA
TUGMA stories
  2
  •  
  0
  •   0 comments
Share

mrsadness26
mrsadness26Community member
Autoplay OFF  •  8 months ago
Tamang pag-ibig, pero hindi tamang panahon.

TUGMA

Ayokong sabihin , dahil ayokong malaman mo

Ayokong malaman mo, dahil wala rin naman sayo

Wala rin naman sayo, dahil di naman ako

Di naman ako yung iniisip mo

Nakakatawa lang, na masaya kang kausap sya

Kahit na siya, walang pake na kausap ka

Walang Pake at di nagrereply

Pero ikaw, tangang palagi na naghihintay

Laging siya ang laman, lagi mong bukang bibig

Laging siya ang laman, ng iyong isip at dibdib

Bibig, isip, dibdib? Napakaswerte nya

Na buong oras mo, sya ang lagi mong naaalala

Ayoko nang umasa, kasi wala ring silbe

Hindi ko kayang magpaka-sya, kasi iba kame

Kaya kahit magsulat pa ko ng isang libong tula

Puso nating dalawa, malabong mapagtugma

Stories We Think You'll Love 💕

Get The App

App Store
COMMENTS (0)
SHOUTOUTS (0)