Borrowed Time Prologue
Borrowed Time Prologue borrowed time stories
  0
  •  
  0
  •   0 comments
Share

misisdchinitia
misisdchinitia Community member
Autoplay OFF   •   5 months ago
Kakayanin mo ba pag ang taong sobrang mahal mo at naging sandalan mo sa loob ng 4 na taon eh mawawala nalang bigla?

Kakayanin mo pa bang gumising para makapagsimula ulit?

Kakayanin mo bang maging normal pa pagkatapos ng lahat ng nangyari?



Source: https://www.wattpad.com/s...

Borrowed Time Prologue

This is a work of fiction. Names, characters, places, company, events and incidents are either the products of the author's imagination.

Actual person/events, living or dead is purely coincidental.

Warning[?][?][?]: Unang beses ko palang po magsusulat, I'm trying my best to write a story and still collecting ideas from the other authors.

Thank you!! Kaya kung may mga pagkakamali sa english, at pagiging typo. Pasensya napo.

Feel free po na mag private message po kayo sakin, to give advice, suggestions or comment lang po. :)

open po ako sa mga ganung message. Thank you so much po!!!

Sana po magustuhan niyo[?]

~*~

Rhett's POV

Papunta ako ngayon kung saan ako madalas isama ng aking Ina,

kung saan ako madalas pumupunta pag gusto ko ng tahimik na paligid at kung saan ako madalas pumunta pag gusto kong makapag isip ng mabuti. Sa Cafe Adelina bandang Silang, Cavite.

Pababa na sana ako ng aking kotse ng makita ko ang babaeng lagi kong napapansin sa school ko noong college ako.

Ang ganda ganda niya talaga, hindi siya katangkaran siguro mga nasa 5'3 ang height niya, morena ang kulay ng kaniyang balat,

bagay na bagay sakaniya ang mga bilugang mata niya at naging dagdag sa ganda niya ang mahabang buhok. Napapansin ko siya dahil isa siya sa c-singer ng school namin.

Parehas kaming course which is BA in Communication. 4th year ako nun 3rd year college siya, So I bet graduating student siya ngayon.

Tuluyan na akong lumabas ng kotse at ng malapit na akong makarating sa kinatatayuan nila narinig ko ang lalaking lagi kong napapansing kasama niya nung college pa ako. BF niya siguro 'to.

"Hindi kaya mapagalitan tayo ni Tita?? Ang layo ng narating natin Farrah" sabay tawa ng lalaking kasama niya. Ahh so Farrah pala pangalan niya.

"Hayyy nako Jax! hindi yan lagi ka nalang takot kay Mama parang bago ka naman ng bago!!! hindi kapa ba sanay sa mga gala moments natin na sobrang layo na di nalalaman ni Mommy?

" Siguro nga mag jowa tong dalawang to.

Nilagpasan ko na sila,

pumunta ako dito para makapag isip isip kung tama paba mga desisyon ko sa buhay lagi nalang din kasi kami nagtatalo ng Dad ko dahil gusto niyang sundin ko ang pangarap niya para saakin,

nag sasawa na ako katwiran ng aking Ama nasunod na daw ako sa gusto kong

course noong college ako ngayon sundin ko naman daw siya sa gusto niyang mangyari ang ipagpatuloy ko ang pamamalakad ng Coffee shop namin,

oo kilalang Coffee shop ang pag mamay ari ng aking pamilya, my iba't ibang branch na din kami ng Coffee shop,

may kapatid ako ngunit ito ay isang babae kaya hindi ipinapaubaya ng aking Ama ang aming business.

Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng Cafe Adelina nag request ako sa waiter na i-save ang favorite spot ko at dumiretso na ako sa restroom para makapag hilamos manlang,

mukhang lantang lanta na kasi ako sa buhay.

Hindi pa ako tapos mag ayos ng sarili ng may naririnig akong isang babaeng nagrereklamo at isang lalaking panay ang paliwanag, kaya't tinapos ko na ang pag aayos at lumabas na ako.

"May nakareserved na po kasi sa taas Ma'am kaya hindi po talaga pwede" paliwanag ng waiter kay.... Farrah???

"Miss anong nangyayari dito?" Sabi ko sakaniya ng nagtataka. Tinignan niya lang ako ng nakapamaywang at binalik niya ang tingin niya sa waiter ng magkasalubong ang kilay.

"Farrah pwede naman tayo sa ibang upuan eh dito, ayaw mo ba dito??

Ang ganda ng view,

Oh" Ika ng lalaking kasama niya Jax yata ang pangalan niya ayon ang narinig kong tawag niya kanina sa lalaking kasama niya habang tinuturo ang upuang malapit sa malaking salamin

at kitang kita ang view kung saan pumapasok at lumalabas ang mga customers.

"Ayoko nga don eh gusto ko sabi sa taas! First time kong pumunta dito tapos ganito pa may reservation palang nalalaman! Gusto ko sa taas!!" Inis na sabi ni Farrah sa kaibigan niya

"Ma'am si Sir Santiago po ang nakareserved diyan

at lilinawin ko lang po na pinareserved po ni Sir Santiago ang itaas dahil dumaan pa po siyang restroom" Paliwanag ng waiter na kanina pa yata nag papaliwanag.

Tinignan ako mabuti ni Farrah, yung tingin niya parang may sinasabi siya pero hindi niya masabi. Siguro pinapatay na niya ako sa isip niya. Hahahaha napangiti ako sa iniisip ko :D

"Anong nginingiti ngiti mo diyan??" Sabi ni Farrah saakin habang tinititigan akong mabuti. Nagkibit balikat nalang ako tutal hindi ko naman pwedeng sabihin sakaniya ang iniisip ko. Hahahaha

"Farrah, tara na kahit dito nalang tayo okay naman dito diba? Nakakahiya na ang dami ng nakatingin satin, wag mo na palakihin 'to" Singit ni Jax sakaniya.

"Sige Miss sa taas nalang kayo, dito nalang ako" sabi ko na nakapag pabago ng ekspresyon niya.

"Hindi pre okay lang doon kana, ikaw ang nauna dun nag iinarte lang 'tong kaibigan ko" tanggi ni Jax sa offer ko,

buong akala ko girlfriend niya si Farrah dahil lagi ko silang nakikita sa campus nung nag aaral pa ako

at lagi silang sweet kung hindi mo sila talaga kilala hindi mo iisiping magkaibigan lang sila.

Habang nagsasalita si Jax umalis nalang bigla si Farrah sa harapan namin at nagsimula ng mag martsa pataas ng Cafe Adelina.

Wow! Just wow! Salamat Rhett ah?

Pero hindi ko naman siya masisisi dahil nakakarelax naman talaga sa taas lalo na kung ikaw lang mag isa,

marami namang upuan sa itaas kaso nag request akong iclosed dahil gusto kong mapag isa yun nga lang biglang dating naman nitong mga 'to. Hayyy

Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Jax.

"Pre salamat salamat, pasensya kana sa kaibigan ko ah nakakahiya man pero salamat at pinagbigyan mo" Paumanhing sabi ni Jax saakin,

tinapik niya balikat ko at dumiretso na sa itaas kung nasaan ang kaniyang kaibigan.

Nag kibit balikat nalang ako dahil mukhang mas emergency pa yata ang problema ni Farrah at mas kailangan niya ang tahimik na lugar dito sa Cafe Adelina.

Umupo nalang ako sa red na round sofa at nag simula na akong tumingin sa menu dahil na din sa haba ng byahe ko papunta dito at nagsimula ng kumalam ang tiyan ko. Hahaha

Sumenyas ako sa waiter at sinabi ko na ang napili para sa tanghaling 'to.

"Yes, Sir?" Tanong ng waiter na sinenyasan ko

"Tuna Aglio Olio, 1 Ham Croissant and Hazelnut Macchiato, that's all" Parang trip ko kasi ngayon kumain ng pasta.

"Ayy Tim, 1 Java chip frappe pa pala pero pwede iserve mo sa taas tapos lagyan mong note na "DON'T LET YOUR MOOD CONTROL YOU,

SMILE" then tell me what's her reaction" Pahabol ko sa waiter na kumuha din ng orders ko

"No problem, Sir Santiago"

Siya si Tim, ang paborito kong waiter dito dahil naabutan niyang nabubuhay ang Lola Adelina ko,

napakabuti at napaka tapat nitong si Tim sa pamilya ko kaya siya na din ang tumayong head waiter dito sa Cafe Adelina.

Oo isinunod sa pangalan ng Lola ko ang Coffee shop namin na gusto ng Dad kong ako na ang mamahala.

Nang dumating na ang mga pagkain, inuna kong higupin ang mainit init na hazelnut macchiato napakasarap lasang lasa ang halong vanilla at gatas na lalong nakapagpadagdag ng sarap,

halos napapapikit pa ako sa linamnam na dala ng macchiato, hayyy all time favorite ko talaga, napabalikwas ako ng may maramdaman akong malamig sa mukha ko at hindi siya basta lamig,

may kasamang crushed ice, hindi kaagad ako napadilat dahil nadamay pati mata ko sa pagkakabuhos.

"Wala kang pake kung bad mood ako ngayon, madami akong iniisip at sino ka para bigyan ako ng frappe?? Manyak!!! Ano akala mo sakin, easy to get?

!!!" Sigaw niya saakin, akala ko pa naman magugusutuhan niya kadalasan kasi sa mga babaeng kakilala ko Frappe ang gusto.

Nang natanggal ko ang java chip sa mata ko nahagip ng mata ko si Tim na dadaluhan sana ako pero patago ko siyang pinahinto sa kinatatayuan niya.

"Miss first of all, it's not my intention na mangielam sa mood mo it's just hindi lang bagay yung itsura mong nakabusangot sa maganda mong mukha" Pinilit ko talagang ngumiti kahit papaano,

I'm trying to be sarcastic, dahil sobrang lagkit na lagkit na ako pinilit ko padin ngumiti para mabawasan naman pagkapahiya ko. Hayyy

"Wala akong pake ku----" hindi na natapos ni Farrah ang sinasabi niya dahil nag riring ang cellphone niya,

nang makita niya ang tumatawag kumunot ang noo niya at para siyang nagtataka kung sino ang nasa kabilang linya.

"Hello? Who am I speaking? Huh?! Anong hospital?? Saan!? Wala akong maintindihan sorry saan ulit??" Natatarantang sagot ni Farrah.

Bigla naman kinuha ni Jax ang cellphone niya at siya ang nagtanong, nakita ko si Farrah biglang umakyat sa taas ng Cafe Adelina, muntikan pa siya matalisod dahil sa pagmamadali.

"Okay okay sige po, thank you for informing us. We'll be there as soon as possible" sagot ni Jax at nasa tabi na niya si Farrah na parang nawala na sa sarili.

Umupo siya sa mahabang sofa na malapit sa kinauupuan ko.

"Excuse me, may I ask what is happening here?" Pero hindi nila ako pinansin, bagkus umupo si Jax sa tabi ni Farrah hinawakan niya ang balikat at hinarap niya sakaniya si Farrah.

"Cass, magiging okay si Tita okay? Wag kang mataranta, you got me.

Mag bobook lang ako ng lalarentcar umupo ka muna saglit lalabas lang ako para malakas signal" ani ni Jax kay Farrahh,

kahit hindi ko pa alam ang nangyayari pero pakiramdam ko urgent at hindi ko kailangan maghintay pa sa isasagot nila sakin,

bago pa man tuluyang lumabas si Jax nagpunas ako ng mukha ko at nawalan nalang din ako ng pakielam sa damit kong sobrang lagkit tumayo na ako agad at nagsalita

"Let me drive for the both of you, matagal makapag pabook ng lalarentcar dito medyo looban pa kasi 'tong lugar, tara na!

" Tumayo ako at tumingin ako kay Farrah na wala padin sa sarili, nakatitig lang din siya saakin na tila nagtataka sa mga sinabi ko, ano ba 'to hindi ba siya naniniwala??

Stories We Think You'll Love 💕

Get The App

App Store
COMMENTS (0)
SHOUTOUTS (0)