Pero ako, sumandal lang sa desk ko habang nagpaplano ng panibagong art of bullying at siyempre kung sino ang mga target.
The Good Assassin 2020 stories
  3
  •  
  0
  •   0 comments
Share

larayaolchondra
larayaolchondra Hi wazzup! Welcome to my world!
Autoplay OFF   •   5 months ago
Gusto ko nang magbagong buhay pero hindi ako makahanap ng tiyempo para sabihin sa kanila ang nais ko. Ano kaya ang dapat na gawin ko?



©All Rights Reserved. 2020

Pero ako, sumandal lang sa desk ko habang nagpaplano ng panibagong art of bullying at siyempre kung sino ang mga target.

The Good Assassin

"HA!"

"YAH!"

"WAH!"

Yan lang ang bukambibig ko. Galing kasi ng kalaban ko. Galing ni Miss Zendelle o Killer Queen kung tawagin namin.

Siya kaya yung pinakamagaling na assassin sa buong Central at siya rin ang founder ng

Dark Side, ang pinakakilalang assassination group sa Asia. Pero siyempre mabubuti ang tingin sa amin ng mga tao sapagkat pangalan lang ng grupo namin ang alam nila at hindi ang mga bumubuo dito.

By the way, may I introduce myself first to you. I am Alisson Santivaniez, 17 years old at tumatayong starter ng grupo, pasimuno daw kasi ako. Joke.

Tumagal ang laban namin ni Miss Zendelle kaya naman napilitan na akong gamitin ang aking extraordinary skills para matalo siya.

Nang papalapit na sa akin ang baton niya'y agad ko itong hinarangan sa pamamagitan ng mahaba kong biyas at pinaikot upang maagaw ko sa kanya ito saka itinapat sa kalaban.

Nagpalakpakan naman ang mga nanonood sa amin nang mangyari iyon. Pinaikot ko naman sa aking likuran ang baton at sabay na kaming nagbow hudyat na tapos na ang laban.

"Magaling!" Puri niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya at bumalik na sa pwesto.

12 lang kami sa grupo at hayaan niyo akong ipakilala sila sa inyo.

Zendelle Funtinele (Killer Queen) - Ang leader ng grupo

Ryan Agnawon (Black Heart) - ang kanang kamay ni Miss Zendelle

Seb Alvarez (Hunter) - ang peace maker ng Dark Side

Marian Micolah (Sniper) - ang sekretarya ng grupo

At ako..

Allison Santivaniez (Dark Chore) - ang starter ng grupo.

Kami ang mga may katungkulan sa Dark Side at eto naman ang mga bagong na-recruit ni Black Heart.

Dion Lib -A1

Elise Maknae- A2

Andrew Perez- A3

Zennaih Weillans- A4

Jin Vernulle- A5

Kyle McKellie- A6

Kylie McKellie- A7

Ako ang pinakabatang na-recruit ni Black Heart nung 2004 at hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa din ako.

Paano ba ako naging ganito?

6 years old ako nun. Nakikipaglaro ako sa labas at si Ate Kelly ang bantay ko nun. Makalipas lamang ang ilang minuto'y nagpaalam siya sa akin, may kukunin lang daw siya sa loob.

Pumayag naman ako at nagpatuloy na sa paglalaro.

Ngunit maya-maya lang, may humintong itim na van sa aking harapan at kasabay noon ay ang pagbaba ng dalawang lalaking nakaitim at nakamaskarang puti.

Hinablot nila ako at nagpumiglas naman ako pero malalakas talaga sila kaya hindi ako nanalo.

Habang nasa loob ako'y pinasakan nila ako ng pampatulog kaya naman unti-unting bumigat ang aking mga talukap at sunod noon ay ang pagkawala ng aking malay.

Pagkamulat ko muli ng aking mga mata, nasa isang magandang bahay na ako. Agad kong inikot ang aking paningin at isang babaeng maganda ang sumalubong sa akin.

"Sino ka?" Tanong ko

"Maligayang pagdating sa Dark Side, Allison Santivaniez." Bati niya na ikinagulat ko.

"Paano mo ako nakilala tsaka sino ka ba?" Muli kong tanong.

"Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan."

Nanahimik siya sandali bago magsalita muli.

"Ako si Zendelle Funtinele, ang leader at founder ng Dark Side. Killer Queen ang tawag nila sa akin dahil mayroon akong kakaibang lakas at skills na pumatay ng tao."

"Pumapatay ka?" Sambit ko ng may halong takot.

Tumango naman siya at umayos ng tayo.

"Pero ang mga pinapatay ko lang naman ay ang mga salot sa lipunan." Tugon niya ngunit tiningnan ko lamang siya.

"Kaya huwag kang mag-alala. Hindi ka babawian ng hininga." Pagpapatuloy niya pa.

"Ibalik niyo na ako!" Pagmamakaawa ko pero wala ata siyang narinig.

"Makikita mo pa rin naman sila, madalang nga lang."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Eto ang magsisilbing trabaho mo. Mahirap lang kayo diba at minamaltrato ka ng mga magulang mo. Ayaw mo na sa kanila. Ayaw mo na."

"Hindi yan totoo! Nagsisinungaling ka lang!"

Hindi lang siya nagsalita at maya-maya pa'y may pinanood siya sa akin.

Ako yung nasa video at kasama ko doon ay ang mga magulang ko na ginugulpi ako.

Makalipas lamang ang tatlong minuto, inihinto na niya ang video.

"Kita mo na?"

"Paano mo nagawa yun? Matagal mo na ba kaming sinusubaybayan?!"

Ngumiti lang siya sa akin at nagcross arms.

"Eto na ang magsisilbi mong trabaho. Makakapagpadala ka pa naman sa pamilya mo kung gusto mo. Titingnan lang natin kung gaano sila mag-aalala para sayo."

Yun lang ang sinabi niya bago umalis.

Yun lang ang nangyari sa akin. Pero simula nung oras na umuwi ako sa pamilya ko at pinagtabuyan nila ako, hindi na ako bumalik pa doon kailanman.

Ang Dark Side na ang itinuturing kong pamilya ngayon at hindi na ang mga magulang ko noon.

Doon ko napagtanto na hindi nila ako mahal. Hindi. Kasi kung mahal man nila ako, sasalubungin nila ako ng yakap pero hindi, e. Pinagtabuyan pa nila ako.

"Bakit ka pa bumalik? Diba umalis ka na?"

Iyon ang salubong sa akin ni nanay.

"Umalis ka na dito pabigat ka lang"

Iyon naman ang sinabi sa akin ni tatay.

Kaya simula noon, umalis na ako sa bahay na yun at hindi na bumalik pa kahit kailan.

----

"Dark Chore, kakain na." Anyaya sa akin ni Kyle.

Tumango naman ako at sumunod na sa dining room. Sakto namang nandoon na silang lahat kaya umupo na rin ako.

Kumain na kami at matapos noon, nag-ayos na ako papasok ng school.

Tama ang nabasa niyo, SCHOOL.

Pinag-aral kasi ako ni Miss Zendelle noon kaya hindi ako natigil sa pag-aaral. Laking pasasalamat ko sa kanya dahil mas humigit pa ang pagmamahal niya sa akin kaysa sa mga magulang ko.

----

Hi everyone! Welcome to Sta. Monica Academy, ang paaralang pagmamay-ari ng Dark Side. At oo! Pagmamay-ari namin 'to, hindi nga lang alam ng mga tao na Dark Side ang nagpagawa nito.

"Hi Allison!" Bati sa akin ni Sy, best friend ko.

Ngumiti naman ako sa kanya at sinabayan na siya papuntang room 102.

"Ready ka na ba mamaya sa P. E?" Tanong niya nang makapasok na kami.

"Oo naman!" Proud kong sagot

"Wow naman! Sana all!" Tugon niya sabay tawa.

"Oh look who's here!" Nakakaasar na sambit ni Eilish, ang dakilang girl bully ng campus. Pasalamat siya 'di ko siya pinapatangggal. Hindi kasi normal sa isang school 'pag walang bully tulad niya.

"Hoy alam mo pabidang Eilish, umalis ka na dito bago pa ako mapikon sayo!" Patol naman ni Sy.

Babae si Sy, panglalaki nga lang ang pangalan.

"At talagang sumasagot pa ang pupu na 'to"

"Aba naman talaga! Hindi ka ba nag-iisip? Tinanong mo kami sumagot lang kami! Hindi ata to nag-iisip"

"Sy!" Saway ko at pinaupo ko na siya.

"Losers!" Bulyaw sa amin ni Eilish bago umalis.

Papatulan pa sana ni Sy yung langaw na yun pero pinigilan ko na siya.

"Hay naku! Bakit kasi hindi pa mawala-wala sa mundo yung mga bida-bida?!" Inis niyang tanong kay Mr. Hangin.

"Hayaan mo na yun. Boring ang mundo kung walang bida-bida, boring ang palabas kung walang kontrabida." Paliwanag ko na ikinatahimik niya.

"Napakabait mo kasi kaya mo nasasabi yan"

Nginitian ko na lang siya at itinuon na ang paningin sa aking binabasa.

Makalipas lamang ang ilang minuto'y dumating na si Ms. Bautista.

(Discussion)

Andrew

Halos magiba na ang buong campus sa lakas ng hiyawan ng mga babae at bakla dito sa entrance pa lang. Pogi ko kasi. Papasok pa lang ako, pinagkakaguluhan na.

"My gosh nandyan na si Drew"

"Ang gwapo niya"

"Parang love ko na siya"

Tss. Ang lalantong naman ng mga yan. Hindi man lang nila pinipigilan ang sarili nila. Hay naku! Ganto ba ang nagagawa ng kagwapuhan ko?

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa may humarang sa aking isang babaeng napaiksi ng palda at puno ng makeup ang mukha.

"Hi Drew! I'm Jane" sambit niya at inilahad sa akin ang kamay.

Hindi naman ako ganoon kasama para hindi siya pansinin kaya tinanguan ko na lang siya at nilampasan siya.

Dinig na dinig ko naman ang malakas na tawanan ng mga estudyante dito nang gawin ko iyon dun sa Jane na yun. Tss. Bagay lang sa kanya yan. Ang panget niya kasi. Hindi bagay sa kanya magmakeup.

Tsaka ayokong tinatawag ako na Drew. Mga kaibigan ko lang na sina Jade at Den ang tumatawag sakin sa pangalan na yun.

Umakyat na kaming tatlo sa second floor at pumasok na sa room 101.

"My gosh nandyan na sila"

"Ang pogi ni Jade"

"Lalo na si Den" "Akin si Drew" Hay naku! Mga bakla talaga. At oo! Mga bakla yung nagsabi nun. Kasi yung mga babae dito halos di na makapagsalita dahil sa sobrang kilig sa tuwing nakikita kami, ako. Pero ako, sumandal lang sa desk ko habang nagpaplano ng panibagong art of bullying at siyempre kung sino ang mga target.

"Akin si Drew" Hay naku! Mga bakla talaga. At oo! Mga bakla yung nagsabi nun. Kasi yung mga babae dito halos di na makapagsalita dahil sa sobrang kilig sa tuwing nakikita kami, ako. Pero ako, sumandal lang sa desk ko habang nagpaplano ng panibagong art of bullying at siyempre kung sino ang mga target.

Stories We Think You'll Love 💕

Get The App

App Store
COMMENTS (0)
SHOUTOUTS (0)