Ang Dilim Ah!
Ang Dilim Ah! stories
  1
  •  
  0
  •   0 comments
Share

canyouphillip
canyouphillipCommunity member
Autoplay OFF  •  6 months ago
Open letter lang, walang format, wlang arte, bsta kwento ng buhay ko, kung d nyo maintindihan sory in advance.

Ang Dilim Ah!

Simpleng istorya lang.

Simula palang alam mong palpak tlga.

Kagraduate nang elementary, sugod na agad sa bawat hayskul para mag take ng entrance exam, pero isa lang tlga ang hinahangad ko, ito ay makapasa dun sa skul na RS.

Madami dami narin kasi akong kakilala na matatalino na dun napunta, pero hindi ko naman sinasabi na matalino ako, gusto ko lang tlga sa eskwelang yun,

kasi kung maganda nga ang skul sa malamang maganda din ang kinabukasan ko.

Nagsilabasan na ang mga resulta nang exam, lahat aligaga lahat excited lahat kinakabahan, SABLAY! Ayun! Hindi pumasa!

Ops ops ops, teka lang on probation daw ako, ibig sabhin nasa waiting list ako, BOOM! In short pasang awa. Dito na nagsimula ang pinakamasaya at pinakamaproblemang yugto ng buhay ko(so far).

1st Year

Pagpasok sa room lahat lumilingon at naghahanap para malaman kung kasection si bes, si bro, si repa.

Para sakin ayos lang kahit sino maging kasection ko, extrovert ako kala nyo ba, pero buti may mga kasection akong kakilala ko(phew).

Madaming matalino, madaming makulit, halo halo na ito, pero masaya. Sabi nila kami daw ang 1st section, ewan lang kung totoo. Pero feeling ko 1st section nga kami.

Madami tlgang matalino eh, andun si ano, si ano, si ano. Ako? Salimpusa lang ako dito, average lang ako, sa katalinuhan at kakulitan.

Obasta ang inaatupag karamihan samin is basketball o volleyball o kaya tugstugan.Osya tapos na.

2nd Year

Sobrang halata naman mangyayari, boom lipat sa last section! Loko din tong mga kaibigan ko, binoto ba naman akong president, anyare?

Anong alam ko sa pagiging president, ay teka wait lang kahit pala nung 1st year ako din President, sabi na , iba tlga ang extrovert! Pang mayor ang datingan.

Maiba, ang room namin nasa bandang dulo s ng skul, Nyek, eh ang gusto lang namin tlga is mag wantosawa sa basketball, ang problema nasa kabilang dulo ng school HAHAHAHAHAHAHA.

Impossible is nothing. Kahit gaano kalayo payan kayang takbuhin yan ng magttropa. Ilang beses din kaming napagalitan nang dahil sa kakabola, pero sigi parin ng sigi ang mga kuya nyo.

Ball is life ika nga nila.

3rd Year

So ayun, same same parin, ball is life.

Pansin nyo ba? Wala akong pinaguusapang mga subjects? Well hindi naman dahil sa hindi ko naenjoy, mas naenjoy ko lang tlga ang bola at ang bonding at mga kakulitan namin.

Kamusta grades ko? Okay naman, wag lang kayo mag expect nang mga 95, ok na siguro ung highest ko is 90, tas ung iba line of 8 nalang. Average nga lang ako.

Bsta sa section namin, bola, bola, bola, puro bola, tugtugan ang alam. Bale parang ang last section is Happy Go Lucky lang.

4th Year

Seryosohan na, seryosohan ng konti hehehehehe. Malapit na exams para sa college. Ito medyo kabado na ako nito.

As for 4th year aun banjing banjing parin kami, ay onga pala nung 1st yr 2nd yr nag adik din pala ako sa dota tapos nung 3rd yr sa LOL naman hanggang sa 4th year.

Same same parin naman, aral aral, bola bola, pindot keyboard pindot keyboard, tugstugan.

Ayan palapit na ang review center para sa college, sa totoo lang po hindi ako nagfocus nung panahong un, kaya wala din akong natutunan, sensya na po sa nagbayad kung nasayang ang pangbayad.

BIG 4

Isa isa kong natapos ang mga entrance exam sa bawat skul sa big 4, hintayan nalang ng resulat ang lahat. AYUN, BOOM! wla, nga nga.

Dito na ako nagising sa katotohanan na kailangan sineryoso ko ang lahat, d ako nag happy go lucky, bigla tlgang gumuho mundo ko,

alam kong d ko naman deserve makapasa pero kahit papaano umasa din ako, pero shet, GUHO, guho tlga ang mundo ko, biglang napuno ako nang pagsisisi, as in,

tuwing gabi iniisip ko lagi san na ako pupulutin. Hay, ewan.

HAU

Ayun nag settle nalang ako sa HAU, Business Management. Pero bago yan, ilang beses kong pinagisipan kung anong course ang kukunin ko.

Ito tlga ang mga pumasok sa utak ko, "mag engineering ba ako? Surebol na madedelay ako nito, d ko rin naman trip, Med kaya, psych ba? Anong trabaho nun?

Ah may mga business ang pamilya baka sakali nalang ako sa Business Management,

ayaw ko narin kasing mag eng kasi baka pagnadelay mas lalong pasakit sa magulang ko kasi d na nga ako nakapasa sa big4 tapos delay pa ako,

nung hindi kasi ako nakapasa sa big 4 kitang kita ko sa mga magulang ko na nadissapoint sila sakin, as in, ramdam na ramdam ko, parang kapag tinitignan nila ako nangliliit ako,

kaya ko rin tlga kinuha ung business para sure pass".Tapos ung tuition pa pang manilang skul, kala mo naman may sinabi.

Joke lang hau, may kwenta ka naman sa eng as accountancy sa iba wala na, realtalk thou. Ewan ko ba kung tama yang pagdidisisyon kung yon, pero parang palpak parin eh.

Nay, tay, sorry tlga ah, sensya na. Palpak ako. Tingin ko dito ako nagsimulang madepress.

1st Year ulit

Nakakapanibago, wala akong kakilala, ni isang mukha wala.

Ayun, usap ng usap sa klasrum wla naman akong maintindihan, puro kapampangan kasi, kaya ayun for the 1st few weeks parang outcast ako, walang masabihan walang makwentuhan,

wala ang sakit lang. Si repa nagpakilala sakin tinawag ang bestfriend, sarap sapakin eh, pero sya nga naging una kong kaibigan sa college.

Ayun lumipas mga panahon, d ko alam pero feel ko iwan na iwan tlga ako, namimiss ko lang tlga mga tropa ko.

Btw 1st few weeks din pala nung college nahomesick ako, as in, iniyakan ko pa mga magulang ko, para lang sa Probi na ako magaral at hindi na sa angeles.

Pero aun pinush ako na kayanin, lahat naman daw yun pinagdadaanan.

2nd year ulit

Wala basic lang karamihan ng subjects simula 1st year as in, well except lang siguro sa accounting subjects, un medyo bago bago pa sakin.

Ayun si repa lagi ko nang kasama pati ung ibang repa, kaso sorry pero pinlastik ko lang kayong lahat, pero hindi sa masamang way, i was just wearing a mask,

hindi ko totoong katauhan ang pinakita ko sainyo, pero mabuti kayong mga tao at kaibigan sadyang d ko lang tlga kayo kavibe. O baka irreplaceable lang tlga mga tropa ko noon. Ewan. O masyado kong pinaikot ang mundo ko sa bola lang at tropa at banjing banjing lang

Bsta aun, simula din 1st year hirap akong maktlog ng maayos, lagi din kasing maraming tumatakbo sa isip ko , mga bagay bagay ba, mga what ifs.

3rd Year

ABA nag DL si bugok. Well di ko naman akalaing mag ddl ako, dl is deans lister. 1.75 ang average grade mo at walang grade ng 2.25.

Simple lang nman ang teknik ko kapag may exam, matlog, kumain, maglaro, manuod ng series or movie, kumain, tapos sagot exam.

Ganun lang, sobrang dalang ko rin lang magreview kasi nga madali lang ang mga subjects, kadalasan ung mahihirap lang rereviewhin ko tapos d naman gaanong review parang padaan lang ng konti.

D nawala pagka happy go lucky ko. Sa totoo lang mas mahirap pa hayskul ko kaysa dito.

4th year

Nagsisync in na sakin na pagraduate na pala ako, hala ka anong gagawin mo kagraduate mo, dito na ako nagkaroon ng suicidal thoughts, hala anyare, from 0 to 100 ah, that escalated quickly.

Pero realtalk sa buong college life ko yan ang di mawala sa pinagiisipan ko gabi gabi, "anong gagawin ko pagkagraduate".

Onga pala may mga tropa din akong not doing so well sa college, pero atleast diba sila kasama mga repa at kahit papaano nasa Manila,

iba din kasi tlga pag sinabi mong nagaaral ka sa Manila compared sa mga skuls Promdi.

Balik tayo sa suicidal thoughts, araw araw ko yan iniisip, kasi nga hirap na hirap akong ifigure out sa sarili ko kung anong balak ko sa future,

wala akong masabihan kasi feeling ko OA lang ako, well minsan sinasabi ko sa mga kaibigan ko akala lang nila nagbibiro ako, kasi d ko rin naman gaanong pinapahalatang nagtototohanan ako,

medyo paramg pabiro lagi pagsabi ko. Pero from the beginning palang nung hindi ako pumasa sa BiG4 laging umaaligid ang ganyan kong pagiisip.

4th year nga pala medyo mahirap din ah, 3 subjects namin puro thesis, isa pa ung pasakit eh, at dagdag sa pagkain ng suicidal thoughts ko .

DI KO NA TLGA ALAM GAGAWIN KO!!!!!!!

PABIRO KONG SINASABING TARA TALON TAYO SA BUILDING!!!

TARA SHOT TAYONG ZONROX!!

ISANG BALA LANG TO TAPOS NA PROBLEMA!!

Hay, depressed ba ako or OA?

Di ko rin tlga alam.

Btw ulit, d rin ako gaanong sumasama sa mga get together ng nga tropa nung HS kasi nahihiya akong sabihin na taga HAU ako at business management lang ang course ko,

at tsaka baka husgahan ung taba ko. Kamakailan nalang ako sumama nung medyo confident na ulit ako sa katawan ko. Pero nandun parin ung hiya na baka maliitin ung skul ko, ewan ko ba.

Dati lider lideran ako nitong magttropa ngayon wala na, sunod sunuran nalang, binago ako ng depression.

Btw ulit nawala pagkaextrovert ko simula nung mahiwalay ako sa mga tropa ko, as in, sa college ako ung shy na pamysterious guy, as in. Kailangan ikaw magaapproach sakin para kausapin ka.

Hirap din kasi kapag d marunong magkapampangan, DANA NAMAN! Mafefeel mong d ka kasama eh, outcast na nga ako sa hs friends na outcast pa ako dito kasi d ako marunong magkapampangan.

Hirap tlga grabe. Depressed ba tlga ako or OA?

DILIM AH

ayun.... graduate na....

anu na??

Nung graduation feel ko d naman proud sakin parents ko, kasi ramdam din nilang d naman ako nahirapan sa skul, happy go lucky nga, i have never heard these five words "im proud of you anak".

Bat ko aasahan bakit kaproud proud ba ginawa ko? D naman eh, sinayang ko lang nasa kalahating milyon na pera ng magulang pangbayad sa tuition, dorm at allowance.

Kaso wla eh, ewan ko rin bat ako umabot sa ganito.

Nay, tay, pasensya na kayo, sorry tlga.

Kung nagpakamatay na ako nuon paman edi sana d na kayo nagsayang ng pera para sakin, d ko narin sana nararamdaman na iba ako sa mga kapatid ko,

d ko narin sana nakikita ung mga mata nyong kung tumingin parang ang liit liit ko, isa lang maipagmamalaki ko eh, naging mabuti akong kapatid at anak, pero ang pagiging mabuting magaaral hindi.

Sorry po tlga kung palpak ako. Ramdam na ramdam ko tlga since nung d ako pumasa ng big 4 na ako tlga ang black sheep. Lahat ng mga kapatid ko may napapatunayan, lahat may naaachieve.

Ako ano nang naachieve ko?

Mga kapatid naging mabuti ba akong kapatid?

Stories We Think You'll Love 💕

Get The App

App Store
COMMENTS (0)
SHOUTOUTS (0)