PALAISIPAN
  7 likes
  •   1 comment
Share

tougherkitzI am forgiven
Autoplay OFF  •  a year ago

PALAISIPAN

by tougherkitz

Nabuo sa saglitang pag-ubaya Palaisipan, saan nga ba nagmula?

Isang pagkakataon na binigay ang tiwala Sa bawat taong nakasalamuha Sa’yo lamang nasambit ang kataga

Ang pagtitiwala’y nagsimula sa pagkikita Hanggang sa nakilala ka’t lubos na namangha Sa mga kilos, galaw at pananalita Sabi ko sa sarili’y, Aba! iba ka nga

Panahon na ang naglahad Pagkakakilala’y lubos na lumantad Bawat anggulong hindi baliktad Turing sa isa’t isa’y mas lalong tumingkad

Habang nasa kasiyahang turingan Nakaligtaan ang tanong na “Hanggang kalian?” Walang saktong sakagutan Na tila’y sumasabak sa isang labanan na walang kasigurahuan

Nagawang maglihim sa iba Mapagpatuloy lang ang kasiyahang nadarama Kamalayan ay napakpan ng hiwaga Kasiyahang pilit na ginagawang tama

Sa pagtawa ko’y nandoon ka Sa pag ngiti ko’y katabi ka Sa paghakbang ko’y akay ka At sa pag-asam ng pangarap ko’y kasama ka

Parang walang pangamba Dahil sa’yo nga’y may tiwala na

“Nakapasaya! Alam mo ba?” Tanging nasambit sa kasalukuyang kalagayan Ito nga ba’y bunga ang ng pangangailangan? O tunay na kasinungalingan?

Sa isang iglap, nagbago ang lahat Nagbago na lang nang biglaan Iniisip kong baka may nagawa lang akong kamalian Hanggang sa umamin nalang Hindi na pala ako ang kailangan

May mga tanong na pilit sinisiksik sa kumikirot na puso Na tanging nabigkas dala ang hinanakit At pilit na iniintindi ang dahilan ng sakit

Nagnanais na matugunan ng walang kapalit Ngunit ang katotohanan ay pinagkait Ako nga ba’y nagagalit? Nagngingitngit? Bakit nga ba ikaw ay sumingit? Sa buhay kong ka’y rikit

Simple lang naman ang nais matugunan Na ako’y mahalin nang may katotohanan Na laging ako’y inaalala ng iyong isipan Ituring nang may kahalagahan

Ngunit kung ito may walang patutuguhan Mas mabuti pa ngang tanggapin na lamang Kaysa masaktan pa nang malaliman Isuko na lamang ng tuluyan

Ngayon, ito’y umiikot lahat sa salitang.. “PALAISIPAN” sa aking nararamdaman Kailan nga ba ito natutuldukan? PALAISIPAN na gustong malaman Pareho nga ba ng nararamdaman?

Ito’y sadyang PALAISIPAN

Stories We Think You'll Love
topmediumCommunity member
2 years ago
How to Have a Phenomenal Year in College
Full post on Medium here: https://medium.com/simpl...

fallengracelost✨,wanderer🌟,young✌,wild mind👿
a month ago
Bled indeed

rsubberI am a poet, a writer, a thinker
8 months ago
Juncture



bernardtwindwilGold CommaGranddad & story teller, tomthepo8.com
a year agoReply
I can not adequately evaluate this without translation. I fear that translation would destroy this melodic piece of poetry.