Bata, Tahan Na
  11 likes
  •   1 comment
Share

AyenGrayce15 | INFP | Filipino
Autoplay OFF  •  9 months ago
A poem written in Filipino dedicated to all children who are growing up or all children who grew up in an abusive household.

Bata, Tahan Na

by AyenGrayce

Bata, makinig ka

Alam kong sa murang edad ay natutunan mong ang buhay ay hindi laging mabait Madalas ito ay malupit at mapanglait

Bata, alam kong minsan ka nang tumingala sa itaas Nagmakaawa at nagtanong sa Poong maykapal "Bakit ganito ang aking naging kapalaran?"

At alam kong may mga panahong tinanong mo nalang ang sarili mo kung nagdadasal ka lang ba sa kawalan

Habang walang kalaban -labang pinagmamasdan ang pagwasak ng relasyon ng iyong tinuturing ilaw at haligi ng tahanan Bawat pagbabanta ng hiwalayan O sa harap mo'y sila'y halos magpatayan

Bawat sigaw ng tatay mo ay tila kumukulog habang sa pagkataranta ng nanay mo ay kutsilyo'y hinablot

Bata, sa sandaling ito ang mga luha mo ay hindi mo na magawang pigilan Nanginginig sa takot na baka mangyari ang iyong pinaka kinakatakutan

Ipinipikit mo nalang ang iyong mga mata at pilit tinatabunan ang iyong mga tenga Umaasang sa pagdikat mo ay nagmamahalan na ulit sila

Bata, sa sandaling ito'y alam kong gusto mo na lamang maglaho kasabay ng pag-ihip ng hangin Ngunit alam mong imposible itong mangyari kahit sa isang libong dalangin

Bata, tahan na. Alam kong halos hindi mo na matandaan ang huling sandaling naging tunay kang masaya

Pero bata, makinig ka

Ang bukas ay may dalang pag-asa Tibayan ang iyong loob at punasan ang iyong mga luha Darating ang araw na giginhawa ang iyong buhay at makakaramdam ka ulit ng ligaya

Stories We Think You'll Love
AyenGrayce15 | INFP | Filipino
9 months ago
Child, Wipe Your Tears Away
English version of "Bata, Tahan Na"

AyenGrayce15 | INFP | Filipino
8 months ago
A Letter to Time
I hope we wouldn't regret every second we spent by...

AyenGrayce15 | INFP | Filipino
8 months ago
The Good in People



bernardtwindwilGold CommaGranddad & story teller, tomthepo8.com
9 months agoReply
This was beautiful. I am a little bit rusty in Filipino (Tagalog I think). You are sweet and wonderful to publish this. \Great poem!!!!!