to my right one,
to my right one, openletter stories
  0
  •  
  0
  •   0 comments
Share

anon
anonStories From Unregistered Users
Autoplay OFF  •  a year ago
hi hello. seventeen palang ako. ako si ela. susulatan ulit kita kapag dating ko sa college ko, gusto ko tignan if magbabago pa eto. Hindi ako perfect. Well, all of us. Pero, promise, iba ako. At first, kung matagal tayong magda-date, promise, ipapakilala ko na agad sayo ang totoong ako.
By batangcinderella http://batangcinderella.t...

to my right one,

by batangcinderella

hi hello. seventeen palang ako. ako si ela. susulatan ulit kita kapag dating ko sa college ko, gusto ko tignan if magbabago pa eto.

Hindi ako perfect. Well, all of us. Pero, promise, iba ako. At first, kung matagal tayong magda-date, promise, ipapakilala ko na agad sayo ang totoong ako.

Pero sinasabi ko sayo, napaka moody ko. At eto pala, hindi ko kaya ng long distance relationship. Once ko lang siya ginawa, at last ko na yun. Di na ako papasok sa ldr, ever.

Alam mo kung bakit? Mas nae-express ko kasi yung ka-sweetan ko kapag malapit ako sayo.

Like, if nag-away tayo in the middle of the night, mas gugustuhin kong pumunta sainyo, ayusin ang away natin, at matulog kasama ka.

Sobrang haba ng pasensya ko, sa sobrang haba ng pasensya ko, sobra naman ang pagiging selosa ko. Okay lang sakin if di ka magrereply basta alam ko yung gagawin mo, alam ko kung nasaan ka.

Hindi ako nagagalit agad. One mistake? Second mistake? Third mistake? Kahit ilang mistake pa yan. As long as naha-handle ko pa yung sakit.

Pero promise, sasabihin ko sayo kapag nasasaktan mo na ako para aware ka. kasi once na hindi ko na kaya yung sakit, paalam na. Selosa ako. Sobra. Like kahit kaibigan mong babae, pagseselosan ko.

Pero kung sabihin mo sakin na di sya dapat pag-selosan, hindi ko sya pagseselosan. Malakas ako mag-selos sa mga ex mo. At kung wala kang ex? Road to forever na ‘to. Charot.

Hahah! Another, napaka-dramatic kong tao. Like hindi naman everytime, pero siguro everytime na mag-aaway lang tayo. kapag wala ako sa mood, ginagawa kong big deal lahat.

Tip kung paano bumalik mood ko, lambingin mo lang ako. Sabihin mo lang kung bakit mo ko minahal. Okay na ako non. ;) and eto pa ang pinaka gusto ko, hindi ako materialistic.

ayokong ini-ispoiled ako. fishball lang sa kanto, okay na ako. love letters lang kapag monthsarry okay na ako. makasama ka lang sa special occasions, masaya na ako.

kumain lang ng ice cream kasama ka, okay na ako. holding hands while walking? di mo ko maaasahan dyan, pero i can still hold your hinliliit na finger.

mas like ko kasi yung pinky swear while walking. hehe.

At kapag dumating ka na, right place, right time, right person, promise, mamahalin kita higit pa kung paano ko minahal mga ex ko.

yung mga naging mali ko sa mga ex ko, di ko gagawin sayo, yung mga bagay na nalaman kong mali nung mga time pa ng ex ko, like pagiging immature/childish, hindi ako magiging ganun para sayo.

Mahalin mo lang ako ng totoo, at presence mo lang talaga. Uhaw na uhaw kasi ako sa presence.

At kapag dumating kana, kahit ano ka pa, tatanggapin kita kagaya ng pag-tanggap mo sakin, at sa past ko.

Gusto ko ikaw yung magiging tao na kulang nalang ipa-ampon ako sayo ng pamilya ko, gusto ko ganun kalaki tiwala nila sayo.

At dahil marunong ako mag-luto, breakfast, lunch, dinner, kahit ano gusto mo, one call away lang ako ipagluto ka. Basta sagot mo ang merienda ha? Fishballs, isaw lang. Okay na ako. ;)

Gusto ko kapag nakita na kita, buong-buo na ako. Yung kaya ko na ulit mag-mahal, gusto ko iparamdam mo sakin na hindi ko na ulit mararamdaman yung mga is-share ko sayong heartaches ko.

Asahan mo rin na ako ang magiging number one fan mo sa lahat ng gagawin mo, sa lahat ng gusto mo, basta good, support kita.

At ang pinaka importante, gusto ko sabay tayong magsisimba.

Nalalampasan ko lahat ng heartaches ko because of him, at syempre, once na ma-meet na kita, everyday ako magt-thank you sakaniya na binigay ka niya sakin.

kaya to my right one, i’m just right here, waiting for you to love me. alam ko naghihintayan lang tayo, pero in right place, in God’s time, with you, my right person. ♡

Stories We Think You'll Love 💕

Get The App

App Store
COMMENTS (0)
SHOUTOUTS (0)