????
???? thoughts stories
  0 likes
  •   0 comments
Share

anon
anonAnonymously Published Stories
Autoplay OFF  •  5 months ago
So nasa byahe ako kanina nung nagsend ng picture si Sam ng empi tas mga snacks nila, “tara shot” daw. So sabi ko sakanya, “inom well” then di ko na pinansin. Natulog nalang ako sa byahe mula Cubao hanggang Fairview. Pagdating ko ng bahay, atsaka ko lang napansin na nagtext pala sakin si Renz. Ewan.
By shitsaboutjane http://shitsaboutjane.tum...

????

by shitsaboutjane

So nasa byahe ako kanina nung nagsend ng picture si Sam ng empi tas mga snacks nila, “tara shot” daw. So sabi ko sakanya, “inom well” then di ko na pinansin.

Natulog nalang ako sa byahe mula Cubao hanggang Fairview. Pagdating ko ng bahay, atsaka ko lang napansin na nagtext pala sakin si Renz. Ewan.

Tinatamad ako replyan, wala rin naman kasi ako load 😂 iniiwasan ko rin mag-fb ngayon kasi surang sura ako kanina kakascroll down na puro thankful react nakikita ko.

Cute sana nung color violet na flower kaso ang dami talagang gunggong sa mundo, thankful react para sa nonsense na post??? Ay ewan.

So nagkaroon naman ako ng 3 missed calls, 2 texts galing kay Sam pero ibang #, sa classmate nya ata. Di ko napansin kasi nakasilent phone ko tas nagluluto pa ako.

Naobliga pa tuloy ako magpaload kasi sabi nya sa text, “sagutin ko daw tawag nya” eh hindi naman na sya natawag. Tinext ko nalang na tawag nalang sya ulit, ayun tumawag nga.

Pagkasagot ko, medyo choppy pero naiintindihan ko.

Dinig ko yung hello nya, ewan ko lang kung naiintindihan nya sinabi ko kasi di naman sya nagsasalita kaso biglang may nagsihiyawan sa kabilang linya nung nag-hello sya, anu yon????

Inisip ko baka nakekwento nya na yung about samin sa mga friends nya.

Ganun din nung tumawag sya sakin ng madaling araw nung sunday, nung pauwi na sila ng friends nya kasi nagswimming sila.

Sabi ba naman nya non, “pauwi na ako” tas may nagsalita sa kabilang linya, “di pa sya pauwi, niloloko ka lang nyan ate” tapos pinatay nya na.

Nag-a-update sya kahit papaano about sakanya, minsan hindi pero cold sya sakin, bat ganon? Di naman ako nag-eexpect. Hay, boys.

Ayoko nalang mag-isip, wag ko nalang siguro intindihan at bigyan ng ibang meaning yung binibigay nyang atensyon.

Pero ang cute nya lang kasi pag sinasabi nyang “school na si ako” “pauwi na si ako” palaging may si ako sa mga sinasabi nya.

Samantalang ako, pag nasa byahe ako or kung nasaan man ako lupalop ng mundo, di ko magawa sakanya yun. Then kanina, nagchat sya na pauwi na raw sya.

Di na nagchat or nagtext till now, siguro bagsak yun, umuwi ka ba naman ng bahay nyo ng lasing, di ka ba naman makakaborlogs agad? So saturday na bukas.

Ano kayang ganap hahahahaha hintayin ko nalang anong mangyari. Basta ayokong mag-expect. Ayoko.

Stories We Think You'll Love